^

Metro

Bus holdup: 2 pasahero patay

-
Dalawang lalaki ang nasawi, kabilang dito ang isang arkitekto ng telecommunication company, samantalang anim na holdaper ang naaresto kasama ang driver at konduktor makaraang holdapin ang isang pampasaherong bus, kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.

Nakilala ang mga nasawing pasahero na sina Elmer Passion, arkitekto at Angelo Canonato, ng Barangay San Andres, Cainta, Rizal.

Samantalang nakilala naman ang mga nadakip na sina Urnos Arellano, driver; Mario Cadiz, konduktor; Petronillo Edraga, 21; Bernardo Plaza, 23; Bobby Ibanez, 29 at Roy Abrasaldo, 32.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi habang ang mga biktima kasama pa ang iba pang pasahero na lulan sa Southern City Bus na may plakang PYK-307 ay holdapin ng mga suspect sa kahabaan ng EDSA Ayala Flyover.

Habang nagaganap ang holdap ay naispatan naman ng isang driver ng kasunod na bus ang nagaganap na panghoholdap sa kabilang bus kaya agad itong tumawag sa 117.

Mabilis namang nagresponde ang mga miyembro ng SWAT sa pangunguna ni Supt. Rodellio Jocsoc, hepe ng Special Action Unit ng Eastern Police District at iba pang kagawad ng pulisya at inabangan ang bus na hinoldap.

Nasakote ang mga suspect sa kahabaan ng MRT Flyover sa Boni Avenue sa Mandaluyong City at doon nakita sa loob ng bus ang dalawang patay na pasahero na binaril ng mga ito. Malaki ang paniwala ng pulisya na posibleng nanlaban ang mga biktima kaya ito pinagbabaril ng mga suspect.

Itinuro ng apat na holdaper ang driver at konduktor ng nasabing bus na kanilang kasabwat sa panghoholdap.

Nasamsam sa mga suspect ang dalawang kalibre .45 baril, isang granada at mga alahas, wallet at cellphone ng mga pasahero.

Nakapiit ngayon ang mga suspect sa Mandaluyong PNP at inihahanda na ang kaso laban sa mga ito. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

ANGELO CANONATO

AYALA FLYOVER

BARANGAY SAN ANDRES

BERNARDO PLAZA

BOBBY IBANEZ

BONI AVENUE

BUS

EASTERN POLICE DISTRICT

MANDALUYONG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with