Namatay noon din ang biktimang si Carmelina Monroy, 58, ng Block 49, Lot 28, Lagro Subdivision, ng nabanggit na lungsod, Samantalang sumuko naman si Clifford Van Pascual, 24, ng Powerhills Subdivision, Taytay Rizal at driver ng Astro Liner Bus.
Base sa ulat ni SPO1 Rey Patiag ng CPD-Traffic Sector 5 na naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Fairview, Quezon City.
Papatawid ang biktima patungo sa sakayan ng papuntang Fairview Mall ng bigla itong mahagip ni Pascual.
Ikinaturiwan naman ni Pascual na hindi niya napansin ang biktima dahil sa may kadiliman sa lugar kayat huli na nang mapreno niya ang sasakyan.
Tumilapon ang katawan ng biktima na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan. (Ulat ni Doris Franche)