^

Metro

Harry Angping inatras ang kandidatura

-
Sa hindi inaasahang pangyayari ilang araw bago idaos ang halalan ay nagbitiw sa kanyang kandidatura bilang kongresista ng Maynila si incumbent Congressman Harry Angping.

Kamakalawa ng gabi sa harap ng kanyang mga supporters ay idineklara ni 3rd District Congressman Angping ang kanyang pagbibitiw bilang kandidato ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) at ipapalit ang kanyang misis na si Maria Zenaida Angping.

Ayon kay Angping, nagdesisyon siyang magbitiw dahilan sa pangha-harass sa kanya ng kampo ni Manila Mayor Lito Atienza dahilan sa mahigpit nitong makakalaban ang manugang ng alkalde na si Miles Roces.

Ayon naman sa source, nagdesisyon na ring magbitiw sa kanyang kandidatura si Angping dahil sa may nakapagsabi dito na talo na siya sa inihaing disqualification case na inihain ng mga supporters ng kalaban nito sa pulitika sa tanggapan ng Comelec.

Anumang oras mula ngayon ay maaari umanong magpalabas ng desisyon ang Comelec kung saan nagde-diskuwalipika kay Angping dahilan sa kuwestiyunableng citizenship nito.

Ito umano ang maaaring dahilan kaya’t inunahan na ng Kongresista ang pag-atras sa pagtakbo sa darating na halalan sa Lunes. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ANGPING

AYON

COMELEC

CONGRESSMAN HARRY ANGPING

DISTRICT CONGRESSMAN ANGPING

GEMMA AMARGO

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MARIA ZENAIDA ANGPING

MILES ROCES

NAGKAKAISANG PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with