^

Metro

Milyong halaga ng regulated chemicals nasamsam

-
Umaabot sa 82 drums ng kemikal na gamit sa paggawa ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad kasabay nang pagkakadakip sa isang Fil-Chinese national sa isinagawang raid sa isang bodega ng illegal na kemikal sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Ayon kay Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) Executive Director Anselmo Avenido Jr., dakong alas-9 ng umaga nang salakayin ng pinagsanib na elemento ng PDEA at National Bureau of Investigation (NBI) ang bodega ng shabu sa #9 Mars St., Brgy. Parada, Malinta ng nasabing lungsod.

Kinilala ni Avenido ang nasakoteng suspect na si Alex Tan, 45, na dinakip sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Lansanas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 7 ng Manila.

Sinabi ni Avenido na nasamsam sa A. Grace Enterprises na pag-aari ni Tan ang 82 drums ng regulated chemicals na ginagamit sa pagmamanupaktura ng shabu.

Nabatid na natagpuan sa loob ng 82 drums, ang 37 drums ng methyl ethyl ketone, 25 drums ng toluene at 20 drums ng acetone na tinatayang nagkakahalaga ng P600,000.00.

Ayon pa kay Avenido, isinagawa ang raid sa Valenzuela matapos naman ang isinagawang pagsalakay kamakalawa ng PDEA sa dalawang bodega ng shabu sa lungsod ng Caloocan at Marikina kung saan nakasamsam din ng libu-libong litro ng mga regulated chemicals.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kaukulang kasong kriminal laban sa nasakoteng Fil-Chinese. (Ulat nina Joy Cantos at Rose Tamayo)

ALEX TAN

AVENIDO

AYON

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EXECUTIVE DIRECTOR ANSELMO AVENIDO JR.

FIL-CHINESE

GRACE ENTERPRISES

JOY CANTOS

JUDGE LANSANAS

MARS ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with