^

Metro

Ginang binoga ng ex-Marine

-
Nabaril at napatay ng isang dating tauhan ng Phil. Marines ang isang ginang matapos itong pumagitna at umawat sa pag-aaway ng kanyang mister at ng una, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Patay na nang idating sa Muntinlupa Medical Center ang biktimang si Maria Virginia Rosario ng Summitville Subdivision, Brgy. Putatan ng nabanggit na lungsod sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa mukha.

Mabilis namang tumakas ang suspect na nakilalang si Larry San Juan, alyas Roger San Juan, 45, ng nabanggit ding lugar.

Base sa imbestigasyon ni SPO4 Estela Formales, ng CID Muntinlupa City, naganap ang insidente dakong alas-10:25 ng gabi sa loob ng Chua Compound sa nasabing barangay.

Nauna dito, nagkikipag-inuman umano ang suspect sa ilan nitong kaibigan ng mapadaan sa lugar ang asawa ng nasawi.

Sinita umano ng suspect ang asawa ng biktima kung bakit pumapasok sa kanyang teritoryo kasabay nang pagbabanta na kukuha siya ng baril at babarilin ito.

Nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo hanggang sa paputukan ng suspect ang mister ng biktima subalit masuwerteng hindi ito tinamaan.

Umawat naman ang ginang at pumagitna subalit siya ang binalingan ng suspect at pinaputukan ng baril sa mukha na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Mabilis namang tumakas ang suspect ng makitang duguang bumulagta ang ginang.

Isang manhunt operation ang inilunsad ng mga awtoridad laban sa suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

CHUA COMPOUND

ESTELA FORMALES

LARRY SAN JUAN

LORDETH BONILLA

MABILIS

MARIA VIRGINIA ROSARIO

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA MEDICAL CENTER

ROGER SAN JUAN

SUMMITVILLE SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with