^

Metro

Mag-asawang trader patay sa sunog,anak kritikal

-
Isang mag-asawang trader ang nasawi, habang nasa kritikal namang kondisyon ang 7-anyos nilang anak matapos masunog ang tinitirhan at pag-aari nilang dalawang palapag na gusali, kahapon ng madaling-araw sa Las Piñas City.

Nasawi noon din ang mga biktimang sina Celedonio dela Cruz, 37, at misis nitong si Marites, 30, ng #178 Angela Road, Barangay Talon Uno ng lungsod na ito.

Nagtamo naman ng 3rd degree burn at ginagamot sa Perpetual Medical Center ang anak nilang si Carlos, 7.

Samantala, tinatayang aabot sa multi-milyong pisong halaga ng ari-arian ang naabo sa naganap na sunog.

Base sa ulat ng Las Piñas City Fire Department, naganap ang trahedya dakong alas-4:56 ng madaling-araw mismong sa residential at commercial building ng mga biktima sa nabanggit na lugar.

Natutulog ang mag-anak ng biglang kumalat ang apoy. Hindi na nagawa pang makalabas ng mag-asawa makaraang makulong sila sa naglalagablab na apoy.

Tanging ang kanilang anak na si Carlos ang nasagip ng rescue team.

Hindi pa mabatid ng mga awtoridad kung ano ang pinagmulan ng naturang sunog. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ANGELA ROAD

BARANGAY TALON UNO

CELEDONIO

CITY FIRE DEPARTMENT

CRUZ

ISANG

LAS PI

LORDETH BONILLA

MARITES

PERPETUAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with