16-anyos na estudyante nagbigti
May 5, 2004 | 12:00am
Dahilan sa hindi boto sa kanya ang mga magulang ng kanyang kasintahan, isang 16-anyos na estudyante ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti kahapon ng umaga sa Sta Cruz, Maynila.
Nakilala ang nasawi na si Angelo Pantaleon, na natagpuang nakabitin sa loob ng kanilang bahay dakong alas-5:30 ng umaga.
Nabatid na huling nakitang buhay si Angelo kamakalawa ng gabi makaraang sunduin ang kanyang nobya upang ipakilala sa kanyang mga magulang. Gayunman, sinasabing tumanggi ang mga magulang ng kanyang nobya na pasamahin ito, dahil sa hindi boto sa nasawi ang mga magulang ng babae
Umuwi umanong malungkot si Angelo hanggang sa makita na nga itong nakabitin kahapon ng madaling araw.
Samantala, nagbigti rin ang isang binata dahil sa kabiguan nitong makakita ng trabaho, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.
Nakilala ang nasawi na si Julybar Sebastian, 26, ng Kawal St., Kaunlaran Village ng nasabing lungsod.
Dakong alas-4:45 ng madaling-araw ng makita ang bangkay nitong nakabitin sa loob ng comfort room ng kanilang bahay.
Labis umanong dinamdam ni Julybar ang kabiguan niyang makakita ng trabaho para makatulong upang maiangat ang kanilang pamumuhay kaya naisipan na lamang nitong magpakamatay. (Ulat nina Gemma Amargo at Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest