^

Metro

Egyptian national tiklo sa Marijuana

-
Isang Egyptian national na patungong Iloilo City ang nadakip ng mga awtoridad matapos mahulihan ng marijuana sa isinagawang inspeksyon sa departure area ng Manila Domestic Airport Terminal 1, Domestic Road sa Pasay City.

Kinilala ni PDEA Executive Director General Anselmo Avenido Jr., ang nahuling dayuhan na si Mogib Abdel Aziz Mohamed El Kordy, 47, may asawa, at may postal address sa 29-21/22 Rashada St., Bangkok, Thailand.

Sinabi ni Avenido, base sa report ni P/Sr. Supt. Orlando Mabutas, Director ng Metro Manila Regional Office ng PDEA na ang suspect ay nasakote ng mga alerting airport security personnel dakong alas-7:50 ng umaga.

Nabatid na nadiskubre ng frisker na si Mark Anthony Villocillo ang itinagong isang gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana sa kaliwang medyas ni El Kordy sa isinagawang inspeksyon sa departure area ng nasabing paliparan.

Si Kordy ay pasahero ng Cebu Pacific Airline na patungong Iloilo City.

Hindi na nakapalag ang nasabing dayuhan matapos mahuli sa posisyon nito ang nasabing bawal na dahon.

Ang nakumpiskang marijuana kay El Kordy ay nakalagay sa isang improvised tea bag subalit hindi ito nakalusot sa matalas na pang-amoy ng mga K-9 dogs.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa nasakoteng dayuhan. (Ulat ni Joy Cantos)

CEBU PACIFIC AIRLINE

DOMESTIC ROAD

DRUGS ACT

EL KORDY

EXECUTIVE DIRECTOR GENERAL ANSELMO AVENIDO JR.

ILOILO CITY

ISANG EGYPTIAN

JOY CANTOS

MANILA DOMESTIC AIRPORT TERMINAL

MARK ANTHONY VILLOCILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with