Shootout: 1 holdaper patay
May 4, 2004 | 12:00am
Isa ang nasawi, habang dalawa pa ang naaresto matapos ang naganap na shootout sa pagitan ng mga awtoridad at pitong mga holdaper na naaktuhang nanghoholdap sa isang gasoline supervisor, kahapon ng madaling-araw sa Taguig.
Patay na nang idating sa Rizal Medical Center ang hindi pa nakikilalang suspect na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa katawan matapos makipagpalitan ng putok sa pulisya.
Kaagad ding nadakip ang dalawa pang kasamahan ng mga ito na nakilalang sina Aylani Amman, 18, at Albert Duterte Saavedra, 22. Mabilis namang nakatakas ang apat pang kasamahan ng mga ito.
Ang mga naaresto at nasawing suspect ay positibong kinilala ng biktimang si Cherry Valdez, 38, supervisor sa Shell Gasoline na humarang sa kanya dakong alas-3:30 ng madaling-araw sa kahabaan ng Daisy St., Lower Bicutan, Taguig.
Ayon sa biktima, galing umano siya sa isang kaibigan at pauwi na ito, nang harangin siya ng mga suspect na armado ng mga baril at sapilitang tinangay ang kanyang dalang bag.
Sa puntong ito, kasalukuyan namang nagpapatrulya ang grupo ng PCP-2 Taguig Police ng mamataan ang insidente kung kaya kaagad na rumesponde ang mga ito.
Hindi pa man nakakalapit ang pulisya ay kaagad na itong pinagbabaril ng mga suspect kaya napilitan na ang mga awtoridad na gumanti ng putok sa mga suspect.
Bumulagta ang isa sa suspect at dalawa naman ang nadakip habang apat pa ang mabilis na tumakas. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended