^

Metro

NPA leader, 2 amasona arestado

-
Nadakip ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya ang isang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) at dalawa pang tauhan nitong amasona kamakalawa.

Sa ginanap na press briefing sa Phil. Army Headquarters sa Fort Bonifacio sa Makati City iniharap ng mga opisyal ng militar ang mga nasakoteng NPA rebels.

Kinilala ni 2nd Infantry Division (ID) Chief Major Gen. Eduardo Cabuay ang nasakoteng communist terrorist leader na si Rogelio Villanueva, alyas Eduardo Serrano/ Bucag at Macling, isang opisyal ng Executive Committee ng NPA Southern Tagalog Regional Party Committee (STRPC) na aktibong kumikilos sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

Bukod kay Villanueva, nadakip din ang mga tauhan nito na sina Joy Mendoza, alyas Ka Luisa at Rizza Mesana, alyas Rizza.

Sinabi ni Cabuay na ang nasabing mga rebelde ay nadakip dakong alas-10 ng umaga nitong linggo sa kahabaan ng Balintawak highway, Lipa City, Batangas.

Ayon pa sa ulat, nadakip ang mga rebelde matapos ang ilang minutong habulan kung saan ang mga ito, ayon pa sa opisyal ay patungo umano sa Oriental Mindoro ng kanilang masabat.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga ito ang mga subersibong dokumento, CD’s, permit to campaign forms, dalawang bandila ng komunistang grupo, isang laptop at tatlong hand guns.

Kasalukuyan nang sumasailalim sa masusing interrogation ng militar ang mga nasakoteng rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ARMY HEADQUARTERS

CHIEF MAJOR GEN

EDUARDO CABUAY

EDUARDO SERRANO

EXECUTIVE COMMITTEE

FORT BONIFACIO

INFANTRY DIVISION

JOY CANTOS

ORIENTAL MINDORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with