^

Metro

Lider ng KFR group,2 galamay timbog

-
Bumagsak sa mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang lider ng kidnap-for-ransom gang at dalawa nitong tauhan sa isinagawang operasyon sa Taguig, Metro Manila.

Nakilala ang nasakoteng lider ng kidnap gang na si Felix Villaver, 45, na aktibong nag-ooperate sa Metro Manila at karatig lugar.

Nakilala naman ang mga nasakote nitong tauhan na sina Jerry Eagamano, 32 at Virgilio, na kapwa kamag-anak din ni Villaver.

Natunton ang mga suspect sa kanilang hideout sa 116 Libis St., Zone 5, Signal Village, Taguig dakong alas-7 ng umaga.

Hindi na nakalapag ang mga suspect matapos na mapalibutan ng arresting team ng PNP-CIDG ang lugar.

Base sa tala ng NAKTAF ang Villaver kidnap group ay sub-group ng Fajardo KFRG na pinamumunuan ng Jarado brothers na sina Harold at Rolando na kapwa may reward na tig-P1 milyon sa ulo.

Ang grupo ni Villaver ay siyang responsable sa pagdukot sa Fil-Chinese na si Mary Grace Ong noong Hunyo 18, 2001; sa plastic magnet na si Connie Yao Ong noong Oktubre 1, 2001; sa Japanese national na si Mark John Giga noong Setyembre 26, 2001. (Ulat ni Joy Cantos)

CONNIE YAO ONG

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

FELIX VILLAVER

JERRY EAGAMANO

JOY CANTOS

LIBIS ST.

MARK JOHN GIGA

MARY GRACE ONG

METRO MANILA

VILLAVER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with