^

Metro

Sibilyan patay sa P7-M sunog

-
Isang polio victim ang kumpirmadong namatay habang walo naman ang nasugatan sa P7-milyong halaga ng sunog na tumupok sa mga ari-arian ng may 1,000 kabahayan sa Brgy. Pag-asa, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Halos hindi na makilala ang bangkay ng biktimang si Lorenzo Galvez, ng G-513 Capricorn St. San Roque ng matagpuan ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP). Hindi umano nakalabas ang biktima kung kaya’t nilamon na rin ito ng apoy.

Ang walong biktima ay kasalukuyang ginagamot sa East Avenue Medical Center (EAMC).

Batay sa isinumiteng report ni Sr. Insp. Manuel Tadeo, hepe ng Arson Division ng QC-BFP, dakong alas 9:45 ng gabi ng magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ni Lina Roseno.

Nabatid na nagtirik ng kandila si Roseno at umalis sandali upang bumili ng gas. Hindi nito namalayan na nahulog ang itinirik na kandila.

Dahil sa dikit-dikit ang bahay at kable ng kuryente,mabilis na kumalat ang apoy na tumagal ng pitong oras bago naapula ng mga pamatay-sunog dakong alas -5:10 ng madaling-araw.

Inutos naman ni QC Mayor Feliciano Belmonte sa DSWD ang paglalaan ng pansamantalang matitirahan ng mga naapektuhan ng sunog. (Ulat ni Doris Franche)

ARSON DIVISION

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CAPRICORN ST. SAN ROQUE

DORIS FRANCHE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

LINA ROSENO

LORENZO GALVEZ

MANUEL TADEO

MAYOR FELICIANO BELMONTE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with