^

Metro

Katawan ng 15-anyos nahati sa tren

-
Nahati ang katawan ng isang 15-anyos na batang lalaki na naging sanhi ng kamatayan nito matapos masagasaan at makaladkad ng isang tren, kamakalawa sa Makati City.

Nasawi noon din ang biktimang si Joel Santos, nakatira sa PNR South Compound, malapit sa Magallanes Village ng lungsod na ito. Tumakas naman ang hindi pa kilalang operator ng hindi pa mabatid na body number ng tren.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi sa PNR South Compound, malapit sa Magallanes Village, Makati City. Nabatid na naglalakad ang biktima sa nabanggit na lugar kung saan paparating naman ang isang tren na galing Bicol patungo ng Maynila.

Nang marinig ng biktima ang busina, bahagyang tumabi ito ngunit minalas pa ring mahagip ito ng tren hanggang sa nakaladkad at nahati ang kanyang katawan na naging sanhi ng agarang kamatayan nito. Napag-alaman na dadalaw lang sa isang kaibigan ang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BICOL

JOEL SANTOS

LORDETH BONILLA

MAGALLANES VILLAGE

MAKATI CITY

MAYNILA

NABATID

NAHATI

NANG

SOUTH COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with