^

Metro

Mister kinatay ni misis

-
Isang mister ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang misis, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Namatay habang ginagamot sa East Avenue Medical Center ang mister na nakilalang si Constantino Mayo, 30, ng Tagumpay St., Brgy. Bagong Silangan ng nasabi ring lungsod. Nagtamo ito ng saksak sa likuran at tiyan.

Samantala, kasalukuyan namang nakakulong at isinasailalim sa imbestigasyon ang misis nito na nakilalang si Alma Mayo, 28, tubong Surigao.

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-6 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob mismo ng bahay ng mag-asawa.

Una’y narinig ang pagtatalo ng mag-asawa hanggang sa humantong sa pisikal na pag-aaway.

Dahil sa malakas ang biktima, kumuha na lamang ng kutsilyo ang suspect at agad na inundayan ng saksak ang una.

Ayon pa sa misis hindi na rin umano niya kaya ang ginagawang pananakit sa kanya ng kanyang mister bukod pa sa problemang ibinibigay nito sa kanya. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ALMA MAYO

AYON

BAGONG SILANGAN

BATAY

BRGY

CONSTANTINO MAYO

DORIS FRANCHE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

QUEZON CITY

TAGUMPAY ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with