^

Metro

Opisyal sa Bilibid,arestado sa kotong

-
Isang mataas na opisyal sa New Bilibid Prison (NBP) ang dinakip ng pulisya sa isang entrapment operation kahapon matapos nitong kotongan ng halagang P30,000 ang pamilya ng isang preso na may kasong kidnapping para lamang maibalik ito (preso) sa Maximum Security ng naturang piitan buhat sa Leyte Penal Colony.

Nasa kustodya na ngayon ng Muntinlupa City Police ang suspect na si Angelito Pragides, 56, assistant superintendent for operation ng NBP at naninirahan sa Type C, NBP Reservation Compound ng nabanggit na lungsod.

Sa reklamong natanggap ng Muntinlupa City Police mula sa complainant na si Nita Natal ng Quezon City nabatid na noong Abril 7 ng taong kasalukuyan dumalaw siya sa kanyang asawa na nakapiit sa NBP sa Maximum Security Compound.

Gayunman, nabalitaan niyang binartolina ang kanyang mister matapos mahulihan ng rice cooker na ginagamit umano nitong lutuan ng tuba at saka inilipat sa Abuyog, Leyte Penal Colony.

Noong Abril 16, nakiusap ang ginang sa suspect na si Pragides na ibalik ang kanyang mister sa NBP, Muntinlupa City.

Ngunit hiningan umano siya ng P20,000 kapalit ng pagpayag nito sa pabor na hinihingi ng ginang.

Nagpadagdag pa umano ang suspect ng halagang P10,000 kung saan pumayag ang ginang kaya’t ibinenta nito ang natitirang ari-arian, gayunman humingi rin ito ng tulong kay Capt. Ric Evidente ng Army dahil sa ginagawang panggigipit ng suspect.

Dakong alas-12:45 kahapon ng tanghali, naglunsad ng entrapment operation ang pulisya sa isang fastfood chain sa Barangay Poblacion sa Muntinlupa kung saan dinakip si Pragides. (Ulat nina Lordeth Bonilla)

ANGELITO PRAGIDES

BARANGAY POBLACION

LEYTE PENAL COLONY

LORDETH BONILLA

MAXIMUM SECURITY

MAXIMUM SECURITY COMPOUND

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY POLICE

NEW BILIBID PRISON

NITA NATAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with