4 miyembro ng 'Lagalag Group', timbog
April 28, 2004 | 12:00am
Naaresto ng mga tauhan ng Central Police District-Cubao Station ang apat na miyembro ng Lagalag holdup group na nagsasagawa ng panghoholdap sa ilang lugar sa Metro Manila matapos ang operasyon ng pulis sa Cubao, Quezon City.
Nakilala ang mga nadakip na suspect na sina Marlon Justo, 21; George Piñon, 22; Joel Cabututab, 33 at Renato Bagasala, 28. Ang mga suspect ay kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya. Nasamsam sa mga ito ang isang kulay maroon na FX na may plakang UBE-857 na ginagamit nila sa kanilang operasyon.
Ayon sa pulisya, ang pagkakaaresto sa apat ay alinsunod sa reklamong kanilang natatanggap kabilang dito ang mga guro, estudyante at mga empleyado na madalas na binibiktima ng grupo.
Sinabi ni Supt. Benigno Durana, hepe ng Cubao Station na agad siyang bumuo ng isang grupo para imonitor ang kilos ng mga suspect.
Natiyempuhan ng mga pulis ang mga suspect sa aktong hinoholdap ang isang FX taxi.
Nagkaroon ng maikling habulan bago nadakip ang mga suspect kung saan nakuha sa mga suspect ang Nokia 3660 cellphone, wallet, ATM card, baril at balisong.
Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga suspect. (Ulat nina Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended