Airports naghigpit uli,dahil sa SARS
April 28, 2004 | 12:00am
Mas matinding paghihigpit ang ipinatutupad ngayon ng Manila International Airport Authority (MIAA) at Bureau of Quarantine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bunsod ng dalawang panibagong kaso ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) na naitala sa bansang China.
Inatasan ni Atty. Oscar Paras, OIC ng MIAA ang kanyang mga action officers na idaan sa rigid monitoring ang lahat ng mga pasaherong darating buhat sa China, Taiwan, Singapore at Hong Kong, ang mga bansang pinagmulan ng nakamamatay na SARS.
Inalerto din ng Bureau of Quarantine sa NAIA ang mga tauhan nito at mahigpit ang utos ni Dr. Emmanuel Sto. Domingo na kaagad na i-isolate ang sinumang pasaherong mataas ang body temperature na makikita sa SARS monitoring machine.
Siniguro rin ng DOH na walang dapat ikabahala ang publiko sa muling banta ng SARS.
Ayon kay DOH Secretary Manuel Dayrit na may 9 na thermal scanners sa major airports sa buong bansa, tatlo dito ay matatagpuan sa NAIA 1, 4 ay nasa NAIA 2 at ang dalawa ay nasa Cebu at Laoag International Airports. (Ulat nina Butch Quejada at Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest