^

Metro

Ransom money ng ASG umiikot sa jail

-
Ibinunyag kahapon ang umano ay paglabas-pasok ng kidnap-for-ransom ni Abu Sayyaf Group (ASG) leader Ghalib Andang, alyas Kumander Robot sa Metro Manila District Jail sa Bicutan, Taguig, kung saan ito nakadetine ngayon.

Mismong tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang nagbigay ng impormasyon hinggil dito.

Ayon sa ulat, dumarating ang P5,000 pataas na pera kay Andang sa nasabing bilangguan sa pamamagitan ng parcel delivery ng LBC.

Si Andang ay nakulong dahilan sa kasong kidnapping. Naputulan ito ng paa matapos na makipaglaban sa awtoridad nang arestuhin sa Mindanao.

Bunga nito, naniniwala ang BJMP official na ang natatanggap na pera ni Andang ay mula sa ransom ng ASG leader sa pamamagitan nito noong kasagsagan ng kidnaping sa Basilan, Jolo, Zamboanga at Davao.

Tinangka namang kunin ang reaksyon ng BJMP ngunit wala ang mga pangunahing opisyal ng kawanihan. (Ulat ni Anna Sanchez)

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

ANDANG

ANNA SANCHEZ

AYON

BASILAN

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

GHALIB ANDANG

KUMANDER ROBOT

METRO MANILA DISTRICT JAIL

SI ANDANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with