Larry 'Pipoy' Silva, namatay na
April 27, 2004 | 12:00am
Sumakabilang-buhay na ang komedyante at konsehal ng Maynila na si Hilarion Larry "Pipoy" Silva matapos itong maratay sa ospital dahil sa sakit sa atay.
Si Silva na kilala bilang "Pipoy", 66, sidekick ni movie and television actor-comedian Vic Sotto sa popular na TV sitcom "Okey Ka Fairy Ko" noong 1980s hanggang 90s na ipinapalabas sa GMA-7 ay unang nahalal bilang councilor noong 1995 elections.
Muling nahalal si Pipoy noong 1998 at 2001 local elections subalit noong Marso 27 hanggang Hunyo 30, 1998 ay nagsilbi ring vice mayor si Pipoy matapos na maging alkalde si Mayor Lito Atienza Jr. laban kay dating Mayor Alfredo Lim na nagbitiw dahil sa pagtakbo nito bilang presidente.
Binawian ng buhay si Silva dakong alas-4 ng madaling-araw noong Linggo sa Ospital ng Maynila matapos itong ma-confine sa naturang ospital simula noong Abril 7, 2004.
Ayon kay Rick Custodio, secretary ni Silva, nagkaroon na ng komplikasyon sa kidney failure ang konsehal at nagda-dialysis na rin ito bago binawian ng buhay.
Nakatakda namang dalhin ang bangkay ng konsehal sa Huwebes ng umaga sa Session Hall at sa gabi ay mayroong necrological service bago i-cremate.
Kasalukuyan namang nakalagak ang bangkay ni Pipoy sa Lopez Funeral Homes sa Bulacan corner Rizal Ave., Blumentritt, Sta. Cruz, Manila. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended