^

Metro

Landlord napatay ng boarder

-
Patay ang isang landlord matapos na pagsasaksakin ito ng kanyang boarder dahil lamang sa dating alitan kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Tatlong saksak sa katawan ang tumapos sa buhay ni Marcos Ravala, 39, ng #10 Old Cabuyao, Sauyo, Novaliches,Q.C. habang pinaghahanap naman ang suspect na si Julius Benig na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Ayon kay PO2 Mario Turiano ng CPD-CIU, dakong alas-2 ng madaling- araw nang makasalubong ng biktima na galing sa videoke bar ang suspect.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang suspect hanggang sa bigla na lamang bumunot ng patalim ang huli at pinagsasaksak ang una.

Lumilitaw na may matagal ng alitan ang dalawa hanggang sa muling mabuksan ang isyu at humantong sa madugong awayan. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

AYON

DORIS FRANCHE

JULIUS BENIG

LUMILITAW

MARCOS RAVALA

MARIO TURIANO

NAGKAROON

NOVALICHES

OLD CABUYAO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with