^

Metro

Mister patay, misis grabe sa pagkahulog ng kotse sa hukay

-
Isang 31-anyos na mister ang kumpirmadong namatay samantalang agaw-buhay naman ang buntis na misis nito matapos na mahulog sa hukay ang kotse ng mag-asawa kahapon ng madaling-araw sa Marikina City.

Pagkabasag ng bungo ang ikinamatay ni Carlo Santiago, habang ginagamot pa rin sa Amang Rodriguez Medical Center ang asawang si Ivory, 26, limang-buwang buntis, ng Chestnut St. New Manila Subd., Brgy. San Roque, ng nasabi ring lungsod.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na naganap ang aksidente dakong alas-4:25 ng madaling-araw sa Marcos Hi-way, Brgy. Calumpang, Marikina.

Kasalukuyang binabagtas ng mga biktimang sakay ng kanilang kotse na may plakang WKD-203 ang Hi-way nang biglang iniwasan ni Carlo ang kasalubong na sasakyan.

Bumangga ang kotse ng mga biktima sa poste ng Meralco hanggang sa tuluy-tuloy ng nahulog sa hukay.

Agad namang sumaklolo ang ilang residente subalit patay na rin si Carlo ng maiahon sa hukay habang inoobserbahan naman sa ospital si Ivory. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

BRGY

BUMANGGA

CALUMPANG

CARLO SANTIAGO

CHESTNUT ST. NEW MANILA SUBD

EDWIN BALASA

MARCOS HI

MARIKINA CITY

SAN ROQUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with