Pekeng abogado,timbog
April 24, 2004 | 12:00am
Nagwakas ang mahabang taong pagpapanggap bilang abogado ng isang 67-anyos na marriage counselor matapos itong maaresto ng pulisya sa isinagawang entrapment operation nang ireklamo ng isang negosyante sa Pasay City kahapon.
Nakilala ang suspect na si Pablo Buenaventura, ng #2027 Leveriza St., ng lungsod na ito.
Inireklamo siya ni Jojo Torres, 50, isang negosyante, ng #325 Younger St., Balut, Tondo, Manila.
Ayon sa biktima, nagtungo siya sa gusali ng Knights of Rizal, katabi ng Pasay City Hall kung saan nagpanggap na abogado ang suspect at ni-notaryo nito ang kanyang Deed of Absolute Sale.
Ngunit nang isasangla na ni Torres ang kanyang lupa sa isang hindi nabanggit na banko, natuklasan niya na peke pala ang notaryo nito kayat nagtungo ito sa Pasay City Clerk of Court upang patunayan kung peke nga ang ni-notaryo ni Buenaventura.
Dahil dito, nagreklamo ang biktima sa pulisya, dakong alas-12:30 kahapon ng tanghali mismo malapit sa Pasay City Hall, nadakip ang suspect sa isang entrapment operation na inilunsad ng Pasay City Police at nadiskubre na limang taon na itong nanloloko at nagpapanggap na abogado. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended