Bebot biktima ng salvage
April 23, 2004 | 12:00am
Isang hindi pa nakikilalang babae na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuan sa isang bakanteng lote, kahapon ng umaga sa lungsod ng Pasig.
Ang biktima ay tinatayang nasa edad na 30 hanggang 35, may taas na 49 talampakan, kayumanggi ang kulay at nakasuot ng puting t-shirt at maong na pants. Ito ay nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa katawan.
Sa ulat ni PO3 Ernesto Paraso Jr., ng Pasig Police natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-7:30 ng umaga sa F. Soriano St., Brgy. Sto. Tomas, Pasig City.
Isang concern citizen ang tumawag sa pulisya upang ireport ang insidente. Nakuha rin sa lugar ang dalawang basyo ng kalibre.38 baril, isang indikasyon na posibleng sa naturang lugar pinaslang ang biktima. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest