7 smut tabloids kinondena ng dealers

Kinondena ng Board of Directors ng Print Media Dealers Organization of the Phils. (PMDO, Inc.) sa pakikipagkonsultasyon sa ibang tabloid publishers at sa Circulation Managers Association of the Phils. (CMAP, Inc.) ang pitong smut tabloids na kumakalat ngayon sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Sa kanilang ipinalabas na Board Resolution No.04-02 matapos ang isinagawa nilang regular monthly meeting noong nakalipas na Abril 15, 2004 sa Ermita, Manila napagkaisahan na ideklarang pornographic/obscene tabloids ang Boso, Tigas, Sagad, Katas, Todo, M and M at Pssst tabloids.

Kasabay nito inihayag din ng board na hindi dapat i-patronize ng lahat ng kanilang miyembro ang nabanggit na mga tabloid.

Ang naturang aksyon ng PMDO, Inc. ay alinsunod na rin sa pakikiisa nila sa kampanya ng pamahalaan at hanay ng pulisya na malabanan ang mga pornographic tabloids na kumakalat sa metropolis at karatig lalawigan.

Show comments