Bigtime pusher patay sa buy bust operation
April 22, 2004 | 12:00am
Isang bigtime pusher ang nasawi, habang nakatakas naman ang kasama nito sa naganap na madugong buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.
Patay na nang idating sa Fatima Medical Center sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa katawan ang suspect na nakilala lamang sa alyas na Jimmy Tattoo.
Kasalukuyan namang pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang kasamahan ng nasawi na nakilala lamang sa alyas na Noel na nakatakas sa kalagitnaan ng putukan.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-12: 15 ng madaling-araw nang magsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng PDEA sa panulukan ng Gen. Luna at Fortaleza Sts. sa Arty Subdivision, Brgy. Karuhatan ng nasabing lungsod.
Nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng PDEA mula sa hindi nagpakilalang caller kung saan ay sinasabing malawakan ang operasyon ng dalawang suspect sa lugar at nang maging positibo ang ulat ay inihanda ng mga awtoridad ang operasyon laban sa mga ito.
Isang SPO1 Romeo Noriega ang nagpanggap na poseur-buyer, gayunman nang akmang iniaabot na ng suspect na si Noel ang limang bulto ng shabu na nagkakahalaga ng P35,000 ay agad na nagpakilala ang pulis sabay dakma sa mga suspect.
Nanlaban si Noel at mabilis na bumunot ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad, dahilan naman para gumanti ng pagpapaputok ang mga pulis na nagsanhi sa pagkamatay ng isa sa mga suspect. Nagawa namang makatakas ni Noel sakay ng kanyang motorsiklong walang plaka. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended