Maid lasog sa tren
April 21, 2004 | 12:00am
Kalunus-lunos na kamatayan ang inabot ng isang katulong na nakaladkad ng isang rumaragasang tren nang hindi nito marinig ang busina dahil sa pagiging bingi, kahapon ng umaga sa Sta. Mesa, Maynila.
Nagkadurog-durog ang katawan at halos hindi na makilala ang biktimang si Josephine Ordonio, 36, stay-in na katulong sa may Pactok St., Sta. Mesa, Maynila.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8 ng umaga sa riles ng Phil. National Railway (PNR) malapit sa Altura Street.
Sa imbestigasyon, inutusan umano ng kanyang amo ang biktima na bumili ng tuyo para sa agahan. Para mapabilis, nag-short cut umano ang biktima at dumaan sa may riles patungo sa bibilhang tindahan.
Hindi nito nakita ang paparating na tren at hindi rin narinig ang malakas na busina nito dahil sa pagiging bingi hanggang sa tuluyang mabangga.
Nabatid na nakaladkad ng tren ang katawan ng biktima ng hanggang 50 metro kung saan nagkadurug-durog ang katawan nito.
Ayon sa mga saksi, sinisigawan pa nila ang biktima na tumabi dahil sa paparating na tren ngunit nagtuluy-tuloy lamang ito at parang hindi sila naririnig. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended