Kumana sa Asia Trust Bank,timbog
April 21, 2004 | 12:00am
Kilala na ng mga tauhan ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU) ang grupong responsable sa panghoholdap sa Asia Trust Bank sa E. Rodriguez Boulevard sa Quezon City matapos na maituro ang mga ito ng mga testigo sa photo gallery, kahapon ng umaga.
Bagamat tumangging ibunyag ang pangalan ng grupo, sinabi ni Supt. Popoy Lipana, hepe ng CPD-CIU na ang dalawa dito ay personal na kinilala nina Thess Estrada, branch manager ng bangko, Cathy Edradan, teller at Eduardo Alminlarza, head security ng bangko.
Ang dalawa sa mga suspect ay sinasabing may rekord na ring panghoholdap sa iba namang bangko noong taong 2002, habang ang isa naman ay pinaniniwalaang bagong recruit ng grupo.
Magugunitang mabilisang hinoldap ng mga suspect kasama ang isa pang babae ang naturang bangko kamakalawa ng umaga at mabilis na nagsitakas ang mga ito sa pamamagitan nang pagpara sa isang pampasaherong jeep.
Tinatayang aabot sa isang milyong piso ang natangay ng mga suspect. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended