Tinatayang aabot sa isang milyong piso ang natangay ng mga suspect sa ilang minuto lamang na panghoholdap.
Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:25 ng umaga sa Asia Trust Bank na nasa pagitan ng Gilmore at Doña Juana St. sa kahabaan ng E. Rodriguez sa nabanggit na lungsod.
Sinasabing mabilis na tinutukan ng isa sa mga suspect ang naka-duty na sekyu sa bangko habang tuloy-tuloy na pumasok ang ilan pang kasamahan nito at agad na nagpahayag ng holdap sa loob ng bangko.
Mabilis na nilimas ang mga pera sa teller ng bangko at saka mabilis na nagsitakas.
Sinabi pa ng mga testigo na nagawa pang magpapara ng isang pampasaherong jeep ng mga suspect sa kanilang isinagawang pagtakas. Tinangay din ng mga ito ang baril ng guwardiya sa bangko. (Ulat ni Angie dela Cruz)