^

Metro

2 opisyal ng Valenzuela police sinibak dahil sa eksaheradong report

-
Sinibak sa kanilang puwesto ang dalawang opisyal ng Valenzuela City Police matapos na ipakalat ng mga ito ang maling impormasyon na may tatlong barangay sa kanilang nasasakupan ang nakalagay sa election hotspot ng Commission on Election (Comelec).

Ang mga nasibak ay nakilalang sina Chief Inspector Florante Aguado, nakatalaga sa operation unit ng Valenzuela City police at Senior Inspector Ronaldo Lumactod ng Intelligence Unit ng nasabing himpilan.

Si Aguado ay inilipat bilang block commander, habang si Lumactod naman ay dinala sa Central Police District Office base na rin sa kautusan ng kanilang hepe na si Supt. Jose Marcelo.

Ang pagkakasibak sa dalawang opisyal ay matapos na magpadala ng ulat ang mga ito sa Northern Police District Office (NPDO) na ang mga barangay Ugong, Malinta at Malanday ay nakalagay sa election hotspot ng Comelec.

Ayon kay Marcelo, masyadong naging eksaherado ang report ng dalawang nasabing opisyal na labis na nagbigay ng pangamba sa mga residente sa kanilang lungsod kaya’t napilitan ito maglabas ng ganitong kautusan laban kina Aguado at Lumactod.

Nakasaad pa sa report nina Lumactod at Aguado na may namataang mga miyembro ng NPA sa lugar at ang tatlong nasabing barangay ay nakalagay sa election hotspot. (Rose Tamayo)

AGUADO

CENTRAL POLICE DISTRICT OFFICE

CHIEF INSPECTOR FLORANTE AGUADO

COMELEC

INTELLIGENCE UNIT

JOSE MARCELO

LUMACTOD

NORTHERN POLICE DISTRICT OFFICE

ROSE TAMAYO

SENIOR INSPECTOR RONALDO LUMACTOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with