3 "Quiapo Angels", arestado
April 18, 2004 | 12:00am
Tatlong tinaguriang "Quiapo Angels" na nambibiktima ng mga mamimili at mga nagsisimba sa naturang lugar ang inaresto ng mga tauhan ng WPD, kamakalawa ng gabi.
Kasalukuyang nakapiit sa WPD Station 3 ang mga suspect na nakilalang sina Mary Jane Aguilar, 31; Luzviminda Ibay, 33 at Bernadette Iglesias, 35.
Dinakip ang mga suspect bunsod ng inihaing reklamo ng mga vendors sa Quiapo dahil sa ilegal na aktibidades ng mga ito na maging ang kanilang mga kostumer ay pineperwisyo ng mga ito.
Binanggit pa sa ulat na ang tatlong tinaguriang "Angels sa Quiapo" ang madalas na manghablot ng mga kuwintas at bag ng mga mamimili doon at maging ang mga nagsisimba ay madalas na nagiging biktima ng mga ito.
Nabatid pa sa ulat na dakong alas-7 ng gabi nang maaktuhan ang tatlong suspect habang nag-aabang na naman ng kanilang mabibiktima sa kahabaan ng Hidalgo St.
Ayon sa pulisya, si Bernadette ang nagsisilbing bankera, habang sina Mary Jane at Luzviminda ang pipili ng kanilang bibiktimahin at pagkatapos ay papaligiran at gigitgitin ng mga ito ang biktima at saka hahablutin kung ano ang target nilang gamit.
Inamin ng pulisya na nahirapan silang hulihin ang mga suspect dahil sa kabisado ng mga ito ang lugar at alam na alam ng mga ito kung saan tatakbo at magtatago. (Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended