Motorbike salpok sa poste: 2 patay
April 17, 2004 | 12:00am
Dalawa ang patay kabilang ang isang 17-anyos na dalagita, samantalang agaw-buhay naman ang isa pa makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa konkretong poste ng Meralco, kahapon ng madaling-araw sa Marikina City.
Kinilala ni Inspector Ricardo Domingo, hepe ng Traffic Division ng Marikina City Police ang mga nasawi na sina Leslie Benitez, 17; at Adrian Casem, 23, samantalang nasa kritikal pa ring kondisyon si Norman Canedo, 33, pawang residente ng Rita Drive Ext. Perpetual Drive Sta. Theresita Village, Brgy. Malanday ng nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, naganap ang trahedya dakong alas-2:30 ng madaling-araw habang sakay ang mga biktima sa isang motorsiklo na may plakang UE-7033 na minamaneho ni Benitez.
Pagsapit sa kanto ng J.P. Rizal at Malayas Sts. ay biglang sumulpot ang isang kulay puting taxi.
Nataranta si Benitez kaya agad nitong kinabig ang manibela para maiwasan ang taxi, subalit sa isang konkretong poste ng Meralco ito nagtuloy at malakas na sumalpok.
Sa lakas nang pagkasalpok ay tumilapon ng may ilang metro ang mga biktima at una ang ulong bumagsak sa semento, dahilan kung kaya dalawa agad ang biglaang namatay. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest