^

Metro

2 araw pa lamang naninilbihan: Tsimay tugis sa pagpaslang sa amo

-
Isang manhunt operation ang inilunsad ng pulisya laban sa isang katulong na halos dalawang araw pa lamang naninilbihan ay pinaniniwalaang sangkot sa pagpatay sa kanyang 70-anyos na amo, kamakalawa ng umaga sa loob mismo ng bahay nito sa Caloocan City.

Nakagapos ang magkabilang kamay at paa nang matagpuan sa loob ng kuwarto ang biktimang si Giok Tuan Cua, biyuda ng 1501 Howard Tower, M.H. del Pilar corner 6th Avenue ng nabanggit na lungsod. Malaki ang hinalang sinakal ang matanda na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspect na nakilala sa pangalang Ella Singson, katulong ng biktima na mabilis na tumakas bago pa matuklasan ang isinagawang krimen.

Ayon sa pulisya, dakong alas-11 kamakalawa ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng kuwarto nito ng kanyang anak na si Helen Natividad at apong si Lino.

Napag-alaman na dumating ang mag-ina sa bahay ng matanda para dalawin ang huli. Sinalubong umano sila ng suspect na si Singson at sinabing naliligo umano si Cua kung kaya’t ang dalawa ay naupo sa sopa at hinintay na matapos sa paliligo ang biktima.

Agad namang nagpaalam ang suspect at sinabing may kukunin lamang damit sa kabilang kuwarto subalit makalipas ang ilang oras ay hindi pa rin bumabalik ang suspect kaya’t napilitan naman ang mag-ina na katukin na sa kuwarto ang matanda ngunit hindi ito sumagot o nagbukas ng silid.

Dahil dito, naghinala ang mag-ina na may nangyari sa matanda kaya sapilitan nilang pinabuksan sa building administrator ang kuwarto at dito tumambad nga ang animo’y baboy na nakatali ang magkabilang kamay at paa ni Cua at may bakas pa ng sakal sa leeg.

Tinangka pang isugod sa pagamutan ang matanda subalit patay na ito nang idating.

Nabatid pa sa anak ng nasawi na noon lamang Abril 13, 2004 nila tinanggap ang suspect para maging katulong ng matanda.

Malaki ang paniwala ng pulisya na ito na ang modus operandi ng suspect ang mamasukan at saka pagnanakawan ang kanyang amo na kanya pang pinapatay. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ABRIL

AYON

CALOOCAN CITY

CUA

ELLA SINGSON

GIOK TUAN CUA

HELEN NATIVIDAD

HOWARD TOWER

MALAKI

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with