Kasal nina Joey at Alma annuled na
April 16, 2004 | 12:00am
Ganap nang malaya si Parañaque City Mayor Joey Marquez matapos ipawalang-bisa ng hukuman kahapon ang kasal nito kay Alma Moreno na sa tunay na buhay ay si Vanessa Lacsamana matapos ang dalawang-taong pagdinig sa kaso.
Sa limang-pahinang desisyon ni Parañaque City Regional Trial Court Judge Fortunato L. Madrona ng Branch 260, pinawalambisa nito ang kasal nina Marquez at Moreno na may petsang Marso 31, 2004.
Base sa mga ebidensyang isinumite sa hukuman, pinal na dinesisyunan kahapon ng korte ang annulment case ng dating mag-asawa sa pamamagitan ng pagpapawalang-bisa sa kasal ng mga ito.
Sa pagdinig ng naturang kaso, napatunayan ng hukuman na kapwa psychological incapacitated ang magkabilang panig.
Sina Marquez at Moreno ay ikinasal noong Dis. 17, 1994 sa Vera Perez Garden, Quezon City at nagsama sila ng mahigit sa 8 taon hanggang binigyan sila ng apat na anak.
Ngunit noong Agosto 20, 2002, nagsampa ng Petition for Annulment of Marriage si Marquez laban sa aktres.
Nakasaad sa petisyon ni Marquez ang akusasyon nito kay Moreno, tulad ng hindi nito pag-asikaso sa pamilya, lagi itong nasa mga sosyalan.
Laging lasing kung umuwi ng kanilang bahay, hindi nito sinasamahan ang dating asawa sa lahat ng lakaran, nilulustay ang kanilang pera at pamemeke nito ng pirma sa credit card ng dating asawa.
Inakusahan din ni Marquez ang dating asawa na mayroong kalaguyo na mariin namang pinabulaanan ng aktres.
Bukod sa pagpapawalang-bisa sa kasal nina Marquez at Moreno, inatasan ng korte si Marquez na magbigay ng sustento sa kanyang mga anak ng P200,000 kada buwan.
Dahil sa mga menor-de-edad pa ang kanilang apat na anak, iniutos ng hukuman na nasa custody ito ni Moreno.
Iniutos din ng korte na ang napaghatiang conjugal property ng mag-asawa ay ilipat sa pangalan ng kanilang apat na anak.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended