^

Metro

Vendor binoga,patay

-
Hindi umubra ang gamot na sinasabing may dalang ‘galing’ o anting-anting mula sa langis ng ahas na ibinebenta ng isang lalaki matapos itong masawi nang barilin sa ulo ng isang hindi nakikilalang salarin, kahapon ng umaga sa Malabon City.

Namatay noon din sa lugar na pinangyarihan ng krimen dahil sa tama ng bala ng baril sa kaliwang ulo na naglagos sa kanang sentido ang biktimang si Edgardo Galang, 44, ng Sitio Taguete, Cupang, Antipolo City.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa Purok 6, Dulong Hernandez St., Barangay Catmon ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na kasalukuyang nagtitinda ng langis mula sa katas ng ahas ang biktima na sinasabing nagtataglay ng galing nang biglang lumapit ang hindi nakikilalang suspect.

Inalok pa ng biktima ng kanyang paninda ang suspect subalit imbes na bumili ay naglabas ito ng baril at saka itinutok sa ulo ng biktima at pinaputok ng malapitan bago mabilis na tumakas.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang makilala at madakip ang suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

ANTIPOLO CITY

BARANGAY CATMON

BATAY

CUPANG

DULONG HERNANDEZ ST.

EDGARDO GALANG

INALOK

MALABON CITY

ROSE TAMAYO

SITIO TAGUETE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with