2,988 pulis sa MM,ikakalat sa eleksyon

Umaabot sa 2,988 pulis ang ipapakalat sa mga polling precints sa buong Metro Manila sa darating na May 10 elections.

Ito ang inihayag kahapon ni NCRPO chief Director Ricardo de Leon matapos ang command conference ng mga Regional Directors bilang paghahanda sa darating na eleksyon.

Sinabi nito na ipapakalat ang naturang puwersa ng mga pulis sa 847 polling precints sa Metro Manila.

Partikular na tututukan ang mga hotspots sa Metro Manila kabilang na ang Tondo, Maynila sa WPD, Pasay City sa Southern District at mga lungsod sa CAMANAVA area.

Susuportahan naman ang pulisya ng dalawang batalyon buhat sa NCR-Defense Command buhat sa AFP.

Ang naturang pagpapakalat ng mga pulis ay dahil sa inaasahang pagkakaroon ng kaguluhan sa pagitan ng mga supporters at mga politiko partikular na ang mga pamilyang matagal nang naglalabanan tuwing eleksyon. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments