^

Metro

Supply ng tubig sa MM,sapat na

-
Tiniyak kahapon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na sapat ang supply ng tubig sa kalakhang Maynila kahit pa bumaba sa critical level na 180 meters ang antas ng tubig sa Angat Dam.

Ayon kay DENR Secretary Elisea Gozun, mananatili sa 95 percent ang supply ng tubig sa Metro Manila mula sa Angat Dam kung saan ang higit na maapektuhan ng pagbaba ng water level dito ay ang mga irigasyon sa Bulacan.

Dahil dito, posibleng maiurong sa Hulyo sa halip na Hunyo ang cropping season o panahon ng pagtatanim na siyang nakikitang worst scenario na na-oobserbahan ni National Water Resource Board director Ramon Alikpala.

Ngunit kinumpirma ni Gozun sa mga magsasaka sa Bulacan, base na rin sa kautusan ni Pangulong Arroyo na magtatayo ng shallow tube wells na pansamantala munang gagamitin sa mga irigasyon sa lalawigan hanggang sa pagpasok ng tag-ulan. (Ulat ni Doris Franche)

ANGAT DAM

AYON

BULACAN

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DORIS FRANCHE

METRO MANILA

NATIONAL WATER RESOURCE BOARD

PANGULONG ARROYO

RAMON ALIKPALA

SECRETARY ELISEA GOZUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with