ASG witness bibigyan ng proteksyon
April 12, 2004 | 12:00am
Tiniyak kahapon ng liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na bibigyan ng proteksyon ang mga witness laban sa mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) kasunod ng madugong Blak Saturday jailbreak kung saan nakatakas ang 53 inmates sa Basilan Provincial Rehabilitation Center sa Isabela City, Basilan.
Nabatid na sa pinaghahanap pang kulang-kulang sa 30 ASG ay mahigit 20 sa mga ito ay mga bandidong ASG na pinamumunuan ni Abu Blak na pinangangambahang rumesbak sa mga testigo laban sa kanilang grupo.
Ayon kay AFP-Public Information Office Chief Lt. Col. Daniel Lucero, marami silang mga hawak na testigo na magpapatunay sa pagkakasangkot ng ASG kabilang na ang mga pugante sa serye ng kidnapping at pamumugot ng ulo ng mga hostages. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest