^

Metro

Red alert pa rin sa Metro Manila

-
Sa kabila ng pagtatapos na ng Semana Santa, hindi pa rin ibababa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang red alert status sa Metro Manila dahil sa patuloy na banta ng terorismo.

Sinabi ni NCRPO chief, Director Ricardo de Leon na wala pa ring kautusan para ibaba ang red alert at patuloy na nagbabantay pa rin ang buong pulisya sa Metro Manila dahil sa patuloy na pamamahagi umano ng mga miyembro ng Abu Sayyaf.

May 10 pa umano miyembro ng bandidong grupo ang nasa Kamaynilaan at karatig na probinsiya na determinado pa ring maghasik ng kaguluhan.

Kaugnay nito, mas pinatindi ngayon ang seguridad sa Metro Manila Rehabilitation Center sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig kung saan nakadetine sina Ghalib Andang alyas Kumander Robot at si Kumander Global.

Ito’y matapos ang pinakabagong jailbreak sa Basilan Provincial Jail kung saan pumuga ang higit 30 preso na kinabibilangan ng mga miyembro ng Abu Sayyaf sa pamumuno ni Kumander Black.

Ayon kay de Leon, hindi nila hahayaan na mangyari ito sa Metro Manila at sasawatain ang unang target ng splinter group ng Abu Sayyaf na pakawalan ang kanilang mga kasamahang nakapiit sa Camp Bagong Diwa.

Patuloy pa rin ang mahigpit na pagbabantay sa mga pangunahing establisimiyento tulad ng Pandacan oil depot, US Embassy, mga pier sa Maynila, Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City at mga malls.

Maaari pa umanong magtagal ang red alert status hangga’t hindi nadadakip ang natitirang bandido sa Metro Manila. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ABU SAYYAF

BASILAN PROVINCIAL JAIL

CAMP BAGONG DIWA

DANILO GARCIA

DIRECTOR RICARDO

GHALIB ANDANG

KUMANDER BLACK

KUMANDER GLOBAL

KUMANDER ROBOT

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with