^

Metro

BJMP makikipagtulungan sa Basilan jailbreak

-
Bagama’t wala sa kanilang hurisdiksyun at operational control ang pagpuga ng 53 preso sa Basilan Provincial Rehabilitation Center kamakalawa ng umaga ay patuloy pa rin ang ginagawang pakikipag-uganayan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa pulisya at militar sa Basilan para sa agarang pagkakahuli ng mga nasabing eskapo.

Kaugnay nito, nilinaw kahapon ni Dir. Arturo Alit, Ceso 1V, BJMP chief na hindi sila ang dapat sisihin sa pagpuga sa nasabing mga preso dahil wala na sa kanilang hurisdiksyun at operational control ang mga nasabing preso nang mangyari ang pagpuga ng mga ito.

"Those detained and serving sentence in provincial and sub-provincial jails are under the supervision and control of their respective provincial government... only those sentenced below 3 years are detained in district, city and municipal jails are under the supervision and control of the BJMP, which is a line bureau under the DILG," pahayag pa ng nasabing opisyal.

Nabatid na karamihan sa mga tumakas ay mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG). (Ulat ni Rose Tamayo)

ABU SAYYAF GROUP

ARTURO ALIT

BAGAMA

BASILAN

BASILAN PROVINCIAL REHABILITATION CENTER

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CESO

KAUGNAY

NABATID

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with