^

Metro

1,500 kabahayan nilamon ng apoy

-
Umaabot sa 1,500 pamilya ang nawalan ng tahanan, habang dalawa katao naman ang iniulat na nasugatan makaraang sumiklab ang may pitong oras na sunog sa likurang bahagi ng WOW Philippines, Fort Santiago, Intramuros, Manila.

Kinilala ang mga sugatan na sina Rowena Alvarez, 7-anyos na nagtamo ng 3rd degree burn sa katawan at Dennis Lopez na isang fire volunteer.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog dakong alas-12:30 ng madaling- araw sa Maestranza Compound.

Nabatid na nagmula ang apoy sa kwitis na pinapuputok ng mga residente bilang pagdiriwang sa pagsalubong sa Pasko ng Pagkabuhay kung saan ay bumagsak ang isa sa mga kwitis sa isang bubungan ng bahay na naging sanhi ng apoy na mabilis na kumalat sa iba pang mga kabahayan.

Personal namang nagtungo sa nabanggit na lugar si Department of Tourism (DOT) Secretary Roberto Pagdanganan at agad niyang iniutos ang pagsasaayos ng mga masisikip at naapektuhang mga kalsada.

Pinangangambahan naman na maaaring maapektuhan at humina ang dating ng mga turista sa WOW Philippines dahil sa nasabing inisidente. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DANILO GARCIA

DENNIS LOPEZ

DEPARTMENT OF TOURISM

FORT SANTIAGO

INTRAMUROS

MAESTRANZA COMPOUND

ROWENA ALVAREZ

SECRETARY ROBERTO PAGDANGANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with