^

Metro

Mag-asawa biktima ng illegal recruiter sa internet

-
Isang mag-asawa na naghahanap ng trabaho sa abroad sa pamamagitan ng internet ang naloko ng mga illegal recruiter na kanilang inireklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) sa pagtangay sa kanila ng P200,000 noong nakaraang Pebrero ng nagdaang taon.

Nakilala ang nabiktimang mag-asawa na si Alfredo at Lynda Siapno, kapwa residente ng Corrugated Fiber Board Inc. Km 12, Sasa, Davao City.

Nahaharap naman ngayon sa kasong estafa at illegal recruitment sa Davao City Regional Trial Court ang apat na suspect na sina Angelita Magsino, Milagros Quezora at Jessica Principe, pawang buhat sa Philca Manpower and Placement Agency Inc. na nakabase sa Malate, Maynila at Lourdes Chan ng Naples Tower Consultant sa Pasay City.

Ayon sa mag-asawa, nakontak nila ang Philca sa pamamagitan ng Internet at nag-apply sila ng trabaho sa ibang bansa. Pinangakuan naman sila ng Philca na magiging mga taga-pitas ng prutas sa Australia na may malaking suweldo kung saan tatagal umano ang pagpoproseso ng kanilang papeles sa loob ng tatlong buwan.

Lumuwas naman sa Maynila ang mag-asawa upang personal na iproseso ang kanilang aplikasyon at nagbayad ng P160,000 bilang paunang placement fee. Nakumpleto nila ang pagbabayad nang magdeposito sila ng P40,000 sa ATM account ng Philca noong Pebrero 5, 2003.

Matapos ang tatlong buwang paghihintay, sinabihan umano sila ng mga suspect na tatagal pa dahil sa inaasikaso pa ang kanilang working visa. Matapos ang lima pang buwan, hindi na sila kinontak ng mga suspect.

Doon din nila nabatid na hindi pala lisensiyado ang Philca na magpadala ng mga trabahador sa ibang bansa.

Dahil dito, lumapit na ang mag-asawa sa NBI sanhi upang maaresto ang mga suspect at masampahan ng kaukulang kaso. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANGELITA MAGSINO

CORRUGATED FIBER BOARD INC

DANILO GARCIA

DAVAO CITY

DAVAO CITY REGIONAL TRIAL COURT

JESSICA PRINCIPE

LOURDES CHAN

LYNDA SIAPNO

MATAPOS

PHILCA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with