Sekyu patay sa armored van holdap
April 6, 2004 | 12:00am
Isang security guard ang nasawi matapos na makipagbarilan sa walong kalalakihan na nangholdap sa armored van ng Banco de Oro sa Annex Bldg. ng SM North EDSA sa Quezon City. Nakilala ang nasawing sekyu sa pangalang Eledio Jacobe, ng Twin Star Security Agency, matapos itong makipagpalitan ng putok sa mga hindi pa nakikilalang suspect na sakay ng isang L-300 van na kulay puti at may plakang TRS-653.
Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon na naganap ang insidente dakong alas-3:50 ng hapon sa harap ng nasabing establisimiyento. Biglang hinarang ng mga suspect ang armored van ng bangko, may plakang UUF-335, na kukuha sana ng koleksyon mula sa sangay ng SM at nakatakdang dalhin sa main branch sa Makati.
Ayon kay Supt. Jose Mario Espino, hepe ng CPD-Baler station, sinasabi ng biktimang si Jacobe na dalawa sa mga suspect ang kanyang tinamaan subalit ito ay hindi pa makumpirma.
Dahil sa pagganti ni Jacobe, nataranta ang mga suspect hanggang sa tumakas ang mga ito patungong Muñoz. (Ulat ni Doris M. Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended