^

Metro

Marami pang Sayyaf tugis sa Metro Manila

-
Hindi pa ligtas ang Metro Manila sa posibleng pag-atake ng mga terorista matapos na kumpirmahin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nasa Metro Manila pa rin ang ilang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na kumukuha lamang ng buwelo para sa mga pambobomba.

Sinabi ni NCRPO chief, Director Ricardo De Leon na base sa kanilang intelligence report, may mga terorista pang nalalabi sa Metro Manila na kanila ngayong tinutugis.

Ito’y sa kabila ng pagkakadakip ng may anim nilang kasamahan sa mga raid sa Cubao, Quezon City at Makati kamakalawa kung saan nakumpiska sa mga ito ang mga sangkap sa paggawa ng bomba.

Sinabi ni De Leon na una nilang namonitor ang tatlong splinter groups ng ASG na naghiwa-hiwalay sa Metro Manila. Target ng mga ito na magsagawa ng mga pambobomba upang lituhin ang pulisya at maitakas ang kanilang mga kasamahan na nakaditine sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig kasama si Ghalib Andang alyas Kumander Robot at Hector Janjalani.

Base sa kanilang ulat, isa pang grupo ang hindi natutukoy ng pulisya na palipat-lipat ng kuta sa Metro Manila at maaaring manamantala sa dami ng dadagsang tao paluwas ng mga probinsya sa darating na Semana Santa.

Aniya kailangang maging mapagmasid sa mga pier at terminal ng bus ang publiko at iulat agad sa mga nakatalagang pulis habang pinayuhan naman ang mga hindi magbabakasyon na umiwas muna sa maraming tao partikular na sa mga mall. (Ulat ni Danilo Garcia)

ABU SAYYAF GROUP

CAMP BAGONG DIWA

DANILO GARCIA

DE LEON

DIRECTOR RICARDO DE LEON

GHALIB ANDANG

HECTOR JANJALANI

KUMANDER ROBOT

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with