^

Metro

Quezon Cityt Jail red alert sa Semana Santa

-
Nagsagawa ng Oplan Greyhound ang pamunuan ng Quezon City Jail sa isang brigada kung saan nakuha dito ang iba’t ibang improvised na patalim.

Ayon kay Sr. Supt. Gilbert Marpuri, jailwarden ng QCJ, ang nasabing operasyon ay bunga na rin ng kanilang natanggap na impormasyon na ang mga miyembro ng Commando ay gumagawa ng mga patalim tulad ng pana, icepick, balisong, kutsilyo at jungle bolo.

Sinabi ni Marpuri na maging ang iba pang selda sa QCJ ay kanilang isasailalim sa Oplan Greyhound subalit hindi ito maaaring sabihin kung kailan dahil nagkakaroon ng pagkakataon ang mga preso na itago mga improvised na patalim.

Aniya, mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng matatalas at matatalim na bagay sa loob ng mga brigada dahil posibleng gamitin ito ng preso sa kanilang kaaway na preso.

Nagbabala din si Marpuri na kanyang agad na dadalhin sa Bicutan ang mga preso na makukuhanan ng mga patalim sa mga susunod na operasyon.

Samantala, nasa red alert status naman ang QCJ kasabay ng paggunita sa Semana Santa kaugnay na rin ng posibleng pananamantala ng mga sindikato.

Ipinagbawal din ni Marpuri ang pagbabakasyon ng mga jailguards upang matiyak ang seguridad ng kulungan at ng mga preso.

Bagama’t inaprubahan ni Marpuri ang conjugal visit sa Biyernes, ipinagbabawal naman niya ang pagdalaw ng mga bata na wala pang walong taong gulang. (Ulat ni Doris Franche)

ANIYA

AYON

DORIS FRANCHE

GILBERT MARPURI

MARPURI

OPLAN GREYHOUND

QUEZON CITY JAIL

SEMANA SANTA

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with