^

Metro

Gumagamit ng blinker, wang wang aarestuhin din

-
Nagpalabas na ng ultimatum ang pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA)laban sa mga sasakyang gumagamit ng blinker at wang-wang kasabay ng kahilingan ng National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF) na isama na ang mga ito sa mga aarestuhin sakaling mamataang gumagamit sa kalsada.

Ang hakbangin ng MMDA ay bunga na rin ng kanilang mga natatanggap na reklamo na marami pa ring mga pribadong sasakyan ang gumagamit ng mga wang-wang at blinker.

Ayon sa MMDA ang mga binibigyan lamang ng karapatang gumamit ng blinker at wang-wang ay mga miyembro ng Philippine National Police, ambulansiya at bumbero.

Kadalasan kasing ginagamit ng mga pribadong sasakyan ang wang-wang at blinker upang hindi maabala sa trapiko at mabigyan sila ng priyoridad sa kalye.

Bunga nito, hiniling ng MMDA na hindi lamang ang mga sasakyang lumalabag sa "No Plate, No Travel "policy ang arestuhin kundi maging ang mga gumagamit ng blinker at wang-wang.

Hindi rin umano imposible na gumamit ng blinker at wang-wang ang mga sindikato upang makaiwas sa checkpoint ng mga pulis.

Matatandaan na mahigpit ang ipinatutupad ng pamunuan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang "no plate, no travel" policy dahil kadalasang ang mga sindikatong miyembro ng kidnapping ay gumagamit ng mga sasakyang walang plaka.(Ulat ni Lorderth Bonilla)

AYON

LORDERTH BONILLA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NATIONAL ANTI-KIDNAPPING TASK FORCE

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

NO PLATE

NO TRAVEL

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

WANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with