^

Metro

Mag-asawang Tsinoy trader tinodas ng pahinante

-
Patay ang isang mag-asawang Intsik habang sugatan naman ang dalawa nitong mga anak makaraang pagsasaksakin at paluin ng kahoy ng kanilang helper na pinagsabihang tamad kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Tadtad ng saksak sa katawan sina Cezar Pan, 48 at asawa nitong si Ana, 45 ng 600 A.Calle Uno, Brgy. 81, Monumento, C.C. at kapwa may-ari ng Ana and Cezar General Merchandise.

Nakaligtas naman ang mga anak nito na sina Jayson, 9 at Leonard, 4, na kapwa nagtamo ng bukol sa ulo at sugat sa katawan dahil sa palo ng kahoy.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspect na nakilala lamang sa pangalang Michael, helper ng mga biktima na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:45 ng gabi sa loob mismo ng bahay ng mga biktima.

Bago naganap ang insidente, pinagsabihan umano ng biktimang si Cezar ang suspect na tamad na ikinagalit ng huli hanggang sa pagsasaksakin nito ang una sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sinaklolohan naman ng biktimang si Ana ang asawa subalit ito naman ang pinagbalingang saksakin ng suspect.

Nakita ng biktimang si Jayson ang pangyayari kung kaya’t tinangka nitong tumawag sa telepono subalit pinalo naman ito ng kahoy sa ulo ng suspect.

Dahil dito, nagsisigaw at humingi ng tulong si Leonard ngunit pinalo din ito ng suspect. Nataranta ang suspect hanggang sa ipasya na nitong tumakas. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ANA AND CEZAR GENERAL MERCHANDISE

BATAY

BRGY

CALLE UNO

CALOOCAN CITY

CEZAR

CEZAR PAN

DAHIL

JAYSON

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with