Bar exam sa bansa, itutulad na sa US
April 4, 2004 | 12:00am
Ihahalintulad ng Korte Suprema ang Bar Examination sa bansa sa Bar Examination sa Estados Unidos.
Sinabi ni dating SC Associate Justice Vicente Mendoza, miyembro ng komite para sa mga reporma sa Bar Examination na naghain na sila ng kanilang rekomendasyon na baguhin ang kasalukuyang sistema ng Philippine Bar Exam.
Tinukoy nito ang paglalagay ng mga objective type ng tanong na may direkta at tiyak na kasagutan. Kasama na dito ang multiple choice.
Sa ngayon ay pinaiiral ng SC ang nakagisnang sistema magmula pa noong 1900s na essay type ng mga katanungan at sagot. Dito ay binibigyan ng pagkakataon na makapaghain ng kanilang rason ang isang estudyante.
Ngunit nilinaw din naman ni Mendoza na mas mahirap ang objective type sa Bar exams dahil ang pagpipiliang sagot ay halos magkakapareho sa isang ibibigay na katanungan. Nilinaw pa nito na posibleng pagsamahin din ang essay type at objective type nang pagsusulit kung kinakailangan depende pa rin sa magiging pag-apruba ng SC en banc.
Magugunita na umaabot lamang sa 20.71 percent ang bilang ng mga nakapasa mula sa kabuuang 5,357 na kumuha ng 2003 Bar examination. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended