Umihi sa pader, dinedo ng sekyu
April 4, 2004 | 12:00am
Binaril at napatay ng isang security guard ang isang pedicab driver na nakita nitong umihi sa pader, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Kaagad na nasawi sa lugar na pinangyarihan ng krimen sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo at likuran ang biktimang si Bayani Novelo, binata ng Isla Puting Bato, Purok 2, Tondo, Maynila.
Samantalang, patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang suspect na si Ricarte Dilan, security guard ng 3rd Alert Security Agency at nakatalaga sa Ocean Link Company na tumakas matapos ang isinagawang pamamaril.
Base sa ulat, dakong alas-11:45 ng gabi nang maganap ang insidente nang tumigil sa kanyang pamamasada ang biktima dahil sa maiihi ito. Inabutan ito sa tapat ng kompanyang binabantayan ng suspect.
Sa gilid ng pader ng Ocean Link umihi ang biktima, subalit lingid sa kaalaman nito ay nakita siya ng nagbabantay na sekyu.
Nilapitan ito ng suspect at sinita sa ginawang pag-ihi sa pader, maaari umanong sumagot ang biktima na lalo na umanong ikinagalit ng suspect.
Nabatid na hinatak ng sekyu ang biktima papasok sa compound at saka doon ilang ulit na pinaputukan. (Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended