^

Metro

10 anyos,3 taong sex slave ng ama at 3 kumpare nito

-
Isang 10-anyos na bata ang tatlong-taong ginawang sex slave ng kanyang addict na ama at tatlong kumpare nito kung saan tinatakot ang biktima na susunugin nila nang buhay kapag hindi pumayag sa kagustuhan ng mga suspect hanggang sa nadakip ang mga ito ng pulisya, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Sinampahan ng kasong panggagahasa at nakakulong sa Makati City Police ang dalawa sa apat na suspect na sina Panchito Zamora, 48, ama ng biktima at kumpare nitong si Mario Sicat, 55, kapwa nakatira sa #8441 Trabajo St., Brgy. Olympia, ng lungsod na ito.

Samantala, hindi pa nakikilala ang dalawang suspect na ang isa rito ay namatay na at ang isa naman ay nakakalaya pa, na pawang mga kaibigan at kainuman din ng ama ng biktima.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Rosie, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa salaysay ng biktima, nabatid na 7-taong gulang pa lamang siya nang simulang gahasain ng kanyang sariling ama na lulong sa droga.

Matapos ang ama, halinhinan naman siyang pinapa-rape sa mga kumpare nito na isinagawa mismo sa loob ng kanilang bahay matapos mag-inuman ang mga ito.

Nabatid na tatlong taong ginawang sex slave ang dalagita ng mga suspect at kaya hindi kaagad siya makapagsumbong ay dahil tinatakot ng ama na susunugin siya nang buhay kasama ang kanyang mga kapatid.

Nagkaroon ng pagkakataon ang biktima na magsumbong sa lola nito na hindi na binanggit ang pangalan hanggang sa sinamahan ito sa barangay upang ipagharap ng reklamo ang mga suspect.

Dahil dito, nadakip ang mga suspect dakong alas-8 kamakalawa ng gabi sa Trabaho St., Brgy. Olympia, Makati City. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AMA

BRGY

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MARIO SICAT

PANCHITO ZAMORA

TRABAHO ST.

TRABAJO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with