^

Metro

Mga guro,estudyante,parents nagrali vs 1 taong dagdag sa high school

-
Nagtipun-tipon kahapon sa harapan ng Department of Education (DepEd) main office sa Pasig City ang ilang grupo ng mga guro at estudyante na humihiling na huwag nang ipatupad ng ahensiya ang isang taong dagdag para sa high school.

Pinangunahan ng mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) kasama ang mga magulang at kanilang mga mag-aaral mula sa pampublikong paaralan sa Maynila, Pasig at Quezon City ang pag-apela ng kaso kay Education Secretary Edilberto de Jesus.

Idinahilan ni ACT Secretary General Fidel Fababier kung kaya hindi dapat ipatupad ang panukala ay dahil na rin sa ang mga gurong sasailalim sa training para magturo ng Science, Math at English para sa tinaguriang ‘bridge program’ ay magmistulang ‘half-baked’.

Idinagdag pa nito na ang limang araw na training para sa tatlong pangunahing subject sa Mayo ay hindi umano sapat para sa mga estudyanteng kukuha ng ‘bridge program’.

Bukod dito, binanggit pa ni Fababier na wala umanong naging konsultasyon o pag-uusap hinggil sa naturang ‘bridge program’, para nakahanda sana ang mga magulang at mga estudyante. (Ulat ni Edwin Balasa)

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS

BUKOD

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDUCATION SECRETARY EDILBERTO

EDWIN BALASA

FABABIER

PASIG CITY

QUEZON CITY

SECRETARY GENERAL FIDEL FABABIER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with